Miyerkules, Disyembre 9, 2015

Ito ang aking Istorya

                                                   Ito ang aking istorya
                                                                   

Mama, please huwag mo nang panuorin ang The Second Chance kasi baka maalaala mo lang lahat ang nangyari sa inyo ni Papa, promise makakarelate ka. Well dun pa lang sa comment ng anak ko ,alam ko na agad ang desisyon ko, don't watch it, period.
Hay naku eto na naman , naalala ko tuloy, paano ko ba sisimulan ang aking istorya at saan ako magsisimula?
Well I graduated in college October1989, after 8 months of self imposed vacation i finally got my first job.
Sa isang GOCC , ok naman ang job ko dito pero hindi ko masasabi na isang ideal at challenging job iyon, pero ok naman kaysa wala, hindi ba? . Ayaw ko na forever tumambay sa bahay. Sa isang departmento  ng pananalapi ako na assigned at duon pala kami magkikita ng aking magiging kasama sa buhay. Ewan ko ba sa mga kasamahan ko sa opisina, kapag nalaman nila na wala kang boyfriend, pilit kang ihahanap, hay naku para bang kasalanan sa Diyos pag NBSB ka . Iyon na nga kasi ako, no boyfriend since birth , eh ano naman sa akin, paki ko ba. Well sa araw araw na lang, kapag may isang binata na naligaw sa aming department, agad ako tatanungin, o ok ba iyan .. may ok lang, may guapo, may chaka matangkad, pandak, maitim, maputi, payat, mataba hay naku gusto ko na lang sabihin ..tomboy ako..joke lang, talaga lang siguro hindi ko pa feel mag ka boyfriend, pero may mga nanligaw naman sa akin, 2nd year high school pa lang nga meron na eh..pero wala pa talaga akong nagugustuhan besides happy ako sa mga kaibigan at kabarkada ko.

Well sa madaling salita heto na may dumating na isang binata, tinginan lang sila , dedma, bakit kaya, sabi ko sa sarili ko. Iyon pala anak pala iyon ng isang manager sa company namin . Hindi nila ganung mabiro kaya dedma lang sila. Ang isang ka opisina ko ay isang director ng aming samahan sa pananalapi kaya may mga tao na madalas pumupunta sa kanya, so isa dun si mr. Isang araw may isa akong kasamahan na hindi na nakatagal at pabiro niya itong binati .... kabayan ika niya, napapansin namin bakit ba nadadalas ang punta mo dito sa aming opisina?....hindi kaya may tinitignan ka, hala ayun na hindi na sila natahimik, simula na ng tuksuhan. Isang araw habang pauwi na ako, may isang lalaki na nagsalita sa likuran ko, saan ka umuuwi? hala ayun na start na ba ito? sabay lingon ako, at sabi ko... sa bahay...ang pabiro kong sagot, muntik na kong matapilok ng sabihin niya na ihahatid daw niya ako sa bahay namin. Ha bakit sabi ko..samakatuwid ayun na iyon na ang simula ng lahat. Ang unang impresyon ko sa kanya ay ok lang akala ko kasi ng pumupunta siya sa opisina namin, mukha na siyang may asawa kasi medyo malaki ang tiyan niya, naks bakit ko ba tinitignan ha? kasi nga may itsura naman siya, presentable, neat magdamit.

Nang malaman sa opisina iyon, kantyawan na sila, sabi nung isa ok na iyon may itsura na, anak pa ng manager, may kaya ika nga. Hay naku. Simula nun halos araw araw na siyang nagpupunta sa aming opisina lalo na kapag breaktime... so samakatuwid naging kami na nang pumunta siya sa aming probinsiya, dinalaw niya ako at dun ko siya sinagot..hay parang ang dali ah, pero sige dun din naman pupunta iyon, kaya go na.
Well sabi ko sa sarili ko, wow swerte yata ako... mukhang mabait at pino kung kumilos, sabi nga ng kaibigan ko ..sis ok iyang bf mo, mukhang kayang kaya mong ipagbalibagan kapag mag asawa na kayo, mukhang hindi nagagalit, tahimik lang siya. Iyan ang akala n'yo...pati ako.

May part two promise.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento