Mickey bilisan
mong magbihis andito na ang school bus mo ...ang sabi ng mommy ni Mickey. Ok na
po ako mommy , bihis na po ako bye bye
mommy . Sa loob ng school bus maraming kaibigan si Mickey kasi isa siyang
mabait na bata magiliw at pala kaibigan. Habang naglalakbay ang school bus ,
may biglang tumawa ng malakas, at nag sabi hihihihihi huli kayo lahat!!!!!
Sabay lipad ng bus sa himpapawid..nagsigawan ang mga bata ..ahhhhhhhhhbakit
tayo lumilipad ..tanong nila. Mag sitahimik kayo ang sigaw ng enkantada na ubod
ng pangit ,,nagpalit siya ng itsura ng siya ay tumawa ng malakas...Tahimik!!!
ayaw ko ng maingay ..sino po kayo? Ang tanong ni Mickey...hahahahihihihi ako si
Estancia ang enkantadang maganda mula sa kaharian ng Timbukbuk hahahahahihihi
...walang maingay !!!!!! natahimik ang
mga bata pero patuloy silang umiiyak at tinatawag ang kanilang mommy at daddy....hindi
na napigilan ni Teddy ang kanyang iyak
at napasigaw na siya sa takot ..si Teddy kasi ang pinaka mahina ang loob sa mga
bata ..isa siyang payat at masasakitin pero siya ay mabait at matalinong
bata...AHHHHHH sabi ng walang maingay ..sabay kumpas ng kanyang magic wand
..gagawin kitang palaka ,kokak kokak
kokak..ang sabi ni Teddy...hindi na nakatiis si Mickey at siya ay tumayo..sino
ba kayo bakit mo kami ginaganito saan mo kami dadalhin !!!!!!ang sigaw ni
Mickey...Aahhhhhhhhh gagawin kitang daga !! sabay kumpas uli sa kanyang magic
wand...natahimik ang lahat ng naging daga si Mickey...hahahahahihihihi..o ano
gusto ninyo pang mag ingay haaa!! Sige
lahat kayo gagawin kong hayop pag hindi kayo tumigil sa kakasigaw ha
TAHIMIK!! Walang maingay!!! .at
natahimik nga nag mga bata singhot na lang ang maririnig sa kanila ..nagtatakbo
si Mickey sa tabi ni Teddy ...Mickey paano na tayo , palaka na ako huhuhu at
ikaw daga huhuhuhu..paano na?? Shhh huwag kang maingay baka marinig ka ng bruha
na iyon , iisip tayo ng paraan ,malalaman din natin bakit niya tayo
kinidnap...at tumahimik na si Teddy sa kakakokak..biglang bumulusok paibaba ang bus ..ahahahahha
sigawan nang mga bata...Ano ba sabi ng walang sisigaw ..ang sabi ni Estancia..Andito
na tayo sa aming kaharian hahahahihihi ..ang dami naming laruan ngayon
hahahahihihi...at huminto na nag bus sa paglalakbay..Ang kaharian ng Timbukbuk
ay isang madilim at mapunong lugar , sa gitna ay may isang palasyo na kulay
itim...natakot ang mga bata ng makita ang palasyo...hahahahihihi...heto na ang
bago ninyong bahay hahahahihihi..ayaw po naming dyan ang dilim ahhh huhuhuhu
uwi mo na kami ang sigaw ng mga bata..Pasok na sa loob baka gawin ko pa kayong
kulisap sige ..ang sabi ni estancia...Kawal ikulong lahat ng bata ..ang utos ni
estancia ...hahahhaha bukas may pagkain na tayo hahahahihi...natakot ang mga
bata ng marinig ang sinabi ng enkantada...ha kakainin tayo naku po huhuhu ayaw
ko na uwi na tayo mommy daddy ang sigaw nila habang ikinukulong sila at
inilalagay sa parang hawla ng ibon. Samantala si teddy at mickey ay nagtago
hindi na sila makita dahil sa kanilang kaliitan..patalon talon si palaka sa mga
batuhan at si daga ay mabilis na tumakbo at humabol sa mga bata pero patago
tago din para hindi makita ni estancia...Ano gagawin natin Mickey? Ang tanong
ni teddy... nag iisip nga ako teddy...ganito na lang papasok tayo sa palasyo para mgmasid muna , tignan
natin kung paano tayo magiging tao uli para
din natin ang mga kasama natin
hahanapin natin sila, dapat dahan dahan
lang kilos natin ha teddy ..huwag kang
matatakot ok? Ok Mickey ..ang sagot ni Teddy. Dahan dahan silang pumasok sa palasyo maingat
kada lundag at takbo ng dalawang magkaibigan..may narinig silang sigawan sa
isang kuarto... aba estancia saan ka na naman nagpunta ha bakit mo dinala magic
wand ko hindi mo baa lam na ako lang ang dapat na humawak nyan ha...hay mahal
kong ina huwag ka ng magalit may pasalubong naman akong pagkain at laruan sa
inyo hahahahhihihi ...nakakulong na sila sa hawla hahahhahihih...Biglang
nagulat ang nanay ni estancia ng makita
na dala ni estancia ang wand ..naku anak bakit mo hawak ito tignan mo nabawasan
na naman angg liwanag nito sabay kuha sa wand...saan mo ito dinala saan ka
nagpunta? Mahal na ina hiniram ko l ang
naman sa mga taga lupa po ako nagpunta ...wika ni estancia..anak hindi mo ba
alam na nababawasan ang kapangyarihan nito kapag nasa lupa ha!!! ...mahal na ina
sandaling sandal lang naman po ako duon.... at sa katunayan hahahahihihi may
ginawa akong palaka at daga hahahahihi...ay oo nga pala asan na kaya ang mga
iyon haahahhihih kukunin ko sila para
makilala mo mahal na ina at mapaglaruan nating dalawang at ipaluluto ko na din ang mga bata nagugutom
na ko haaahhihi...sabay labas ni estancia sa silid..Lalong natakot sila mickey
ng marinig nila ang usapan ng mag ina....naku Mickey paano na yan sabay hikbi
ni Teddy ...huwag ka mag alala ..iisip tayo
ng paraan...sagot ni Mickey...ah alam ko na magtago ka hindi ka naman pwede
sumiksik sa ilalim ng pintuan hindi ba? Kaya ako na lang ang gagawa nun , doon
ka magtago sa likod ng paso dun kita pupuntahan pagkakuha ko sa wand sabi ni
Mickey, bilisan mo Mickey ha mag iingat ka ..sagot ni Teddy..at dahan dahan ng
pumasok si Mickey sa silid sumiksik siya sa ilalim ng pintuan nakita niya ang
mahal na reyna na nakatanaw sa labas ng palasyo pinapanuod niya ang mga batang
nakakulong sa hawla..kaya hindi niya namalayan na pumasok si Mickey at nakuha
na ni Mickey ang wand..dali dali itong lumabas ng silid..teddy eto na nakuha ko
na ..ang sabi ni Mickey , ang galing mo naman Mickey halika na bilisan na natin
baka mahuli na tayo..wika ni Teddy. ..sa pagtakbo nila nahuhuli si palaka kasi
mabagal siyang lumundag kya nag alala si mickey na baka mahuli sila...sandali
lang Teddy mabuti pa ako na lang ang pupunta sa kulungan para pakawalan sila
maghiwalay tayo , punta ka sa school bus itulak mo malapit sa pintuan ng kulungani
huwag kang maingay dahan dahan lang ha..wika ni Mickey , ok Mickey ako bahala
mabagal akong lumundag pero malakas ako ..usal ni Teddy...at naghiwalay na nga ang mag kaibigan..palinga
linga si mickey hinahanap niya ang susi ng hawla ..natanaw niya ang reyna nasa
may bintana pa rin ito , kailangan niya
na mag ingat baka makita siya...may narinig siyang humuhiyaw ..si estancia
galit na galit dahil hindi niya makita
ang ginawa niyang daga at palaka...mga kawal hanapin ninyo sila bilis kung hindi gagawin ko kayong
kabayo hhahaahihi..sa pagtakbo ng isang kawal nalaglag ang susi sa kanya nakita
iyon ni Mickey , madali niya tong nakuha , tinanaw muna niya ang reyna kung
nasa bintana pa ngunit ito’y wala na dun ..Mickey Mickey psssst huwag kayo maingay baka madinig nila
kayo..sabay bukas sa pintuan ng hawla..nakita niya ang bus umuusad na dahan
dahan palapit sa pintuan..sabi ni mickey...mga kaibigan walang maingay habang
tumatakbo ha..doon tayo pupunta sa bus..ok pagbilang ko ng 3 takbo
ha..1..2..kontin na lang ayan 3..takkkboo...nagsitakbo na nga ang mga bata sa
bus , nasa loob na sila lahat ng makita sila ng mga guardiya at ni Estancia..sumigaw
si Estancia..hoy mga bata saan kayo
pupunta ha ? habulin sila kawal..samantala sa loob ng bus ..Mickey bilis
ang wand ikumpas mo na para makaalis na tayo..wika ni Teddy...ok mga bata
kumapit kayo ng maigi... eto na..lipad lipad bus sabay kumpas sa wand ng paikot
ikot kaya mabilis silang nakalipad ..ihatid mo kami sa lupa...samantala sa
kaharian ..nagsisisigaw ang reyna kasi nawawala ang wand...estanc ia nasaan ang
wand ha bakit kinuha mo uli ha..mahal na ina hindi ko kinuha iniwan ko sa silid
iyon...naku ina baka nakuha ng daga at palaka ..kasi napalipad nila ang
bus...hahahahihii binatukan siya ng kanyang ina..naku ikaw talaga paano na ‘yan
tumatawa ka pa..sige ewan ko lang pag nakatawa ka pa kapag sinugod tayo ng mga
taga kaharian ng embudo...samantala sa lupa nagkakagulo na sa paaralan dahil
nawawala ang mga bata...nag iiyakan ang kanilang mga magulang at guro..nagulat
ang lahat ng may kumalabog bumagsak ang
bus umusok ng malaki ...sa pag usok nagsitakbo pababa sa bus ang mga bata ..hiyawan
sila pati ang kanilang mga magulang at guro..tuwang tuwa sila kasi nakabalik
sila..samantala sa loob ng bus nagtago sila Mickey at Teddy hindi sila makababa
kasi nahihiya sila..paano na tayo Mickey tiyak matatakot sila sa atin...hawak
pa rin ni Mickey ang wand ..huwag kang mag alala Teddy may konting ilaw pa ang
wand may kapangyarihan pa ito..sige Mickey mauna ka na ikumpas mo na ang wand
maging tao ka na. .subalit nag alala si Mickey kasi alam niya na kapag ginawa
niya iyon , mawawala na ang ilaw ng wand , isang kumpas na lang at ubos na ang
ilaw..kawawa naman si Teddy ...nag iisa pa naman siyang anak ng mga magulang
niya..kawawa naman mommy at daddy ni Teddy kapag nwala si Teddy..samantalang
siya ay may mga kapatid naman ..kaya sa isang kumpas niya si Teddy ang naging
tao uli...sumigaw si Teddy sabay iyak dahil nakita niya wala ng ilaw ang
wand..huhuhu Mickey bakit mo ginawa iyon bakit ako e ikaw ang nag hirap kumuha
ng wand madami kang nagawa ako tinulak ko lang ang bus..huhuhu..Teddy huwag
kang mag alala sa kin ako na bahala..tumulong ka rin naman d ba ..hindi tayo
makakasakay sa bus kung hindi mo tinulak...tumutulo na din luha ni Mickey...may
hiling lang ako sa iyo teddy ..sabi ni mickey...huhuuhu sige mickey ano
yun...usal ni teddy sabay hikbi...kapag nakita mo mommy at daddy ko pati mga kapatid ko huhuhu halikan at yakapin mo sila para sa
akin sabihin mo mahal na mahal ko sila sabay tulo ng luha ni Mickey...oo Mickey
gagawin ko iyon...sige Teddy bumaba ka na ng bus paalam.. bumaba na nga ng bus
si Teddy sinalubong siya ng mga magulang niya ..samantala lumapit ang mommy ni
Mickey kay Teddy sabay tanong na nasaan si Mickey ?, bakit ikaw lang ang bumaba?
Hindi makapag salita si Teddy sa kakahikbi napatingin na lang siya sa
bus...dahan dahang lumapit ang mommy ni Mickey sa bus pumasok siya duon at tinawag si Mickey...Mickey..anak nasaan ka
ba magpakita ka kay mommy ..ngunit ayaw niyang lumabas... Mickey anak magpakita
ka na sa akin kahit ano hitsura mo ok lang sa akin mahal kita anak...sabay tulo
ng luha...dahan dahan lumabas si Mickey sa likuran ng bus..sabay hikbi ..mommy
isa na akong daga hindi na ako babalik sa dati hindi na ako bagay sa inyo
huhuhu...subalit tumakbo palapit sa kanya ang kanyang mommy kinuha siya at
hinalikan...kahit ano ang itsura mo ikaw pa din ang baby ko ,huwag kang mag alala aalagaan kita..nag
iyakan ang mag ina...mahal na mahal kita. end
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento