Miyerkules, Disyembre 9, 2015

Ito ang aking Istorya

                                                   Ito ang aking istorya
                                                                   

Mama, please huwag mo nang panuorin ang The Second Chance kasi baka maalaala mo lang lahat ang nangyari sa inyo ni Papa, promise makakarelate ka. Well dun pa lang sa comment ng anak ko ,alam ko na agad ang desisyon ko, don't watch it, period.
Hay naku eto na naman , naalala ko tuloy, paano ko ba sisimulan ang aking istorya at saan ako magsisimula?
Well I graduated in college October1989, after 8 months of self imposed vacation i finally got my first job.
Sa isang GOCC , ok naman ang job ko dito pero hindi ko masasabi na isang ideal at challenging job iyon, pero ok naman kaysa wala, hindi ba? . Ayaw ko na forever tumambay sa bahay. Sa isang departmento  ng pananalapi ako na assigned at duon pala kami magkikita ng aking magiging kasama sa buhay. Ewan ko ba sa mga kasamahan ko sa opisina, kapag nalaman nila na wala kang boyfriend, pilit kang ihahanap, hay naku para bang kasalanan sa Diyos pag NBSB ka . Iyon na nga kasi ako, no boyfriend since birth , eh ano naman sa akin, paki ko ba. Well sa araw araw na lang, kapag may isang binata na naligaw sa aming department, agad ako tatanungin, o ok ba iyan .. may ok lang, may guapo, may chaka matangkad, pandak, maitim, maputi, payat, mataba hay naku gusto ko na lang sabihin ..tomboy ako..joke lang, talaga lang siguro hindi ko pa feel mag ka boyfriend, pero may mga nanligaw naman sa akin, 2nd year high school pa lang nga meron na eh..pero wala pa talaga akong nagugustuhan besides happy ako sa mga kaibigan at kabarkada ko.

Well sa madaling salita heto na may dumating na isang binata, tinginan lang sila , dedma, bakit kaya, sabi ko sa sarili ko. Iyon pala anak pala iyon ng isang manager sa company namin . Hindi nila ganung mabiro kaya dedma lang sila. Ang isang ka opisina ko ay isang director ng aming samahan sa pananalapi kaya may mga tao na madalas pumupunta sa kanya, so isa dun si mr. Isang araw may isa akong kasamahan na hindi na nakatagal at pabiro niya itong binati .... kabayan ika niya, napapansin namin bakit ba nadadalas ang punta mo dito sa aming opisina?....hindi kaya may tinitignan ka, hala ayun na hindi na sila natahimik, simula na ng tuksuhan. Isang araw habang pauwi na ako, may isang lalaki na nagsalita sa likuran ko, saan ka umuuwi? hala ayun na start na ba ito? sabay lingon ako, at sabi ko... sa bahay...ang pabiro kong sagot, muntik na kong matapilok ng sabihin niya na ihahatid daw niya ako sa bahay namin. Ha bakit sabi ko..samakatuwid ayun na iyon na ang simula ng lahat. Ang unang impresyon ko sa kanya ay ok lang akala ko kasi ng pumupunta siya sa opisina namin, mukha na siyang may asawa kasi medyo malaki ang tiyan niya, naks bakit ko ba tinitignan ha? kasi nga may itsura naman siya, presentable, neat magdamit.

Nang malaman sa opisina iyon, kantyawan na sila, sabi nung isa ok na iyon may itsura na, anak pa ng manager, may kaya ika nga. Hay naku. Simula nun halos araw araw na siyang nagpupunta sa aming opisina lalo na kapag breaktime... so samakatuwid naging kami na nang pumunta siya sa aming probinsiya, dinalaw niya ako at dun ko siya sinagot..hay parang ang dali ah, pero sige dun din naman pupunta iyon, kaya go na.
Well sabi ko sa sarili ko, wow swerte yata ako... mukhang mabait at pino kung kumilos, sabi nga ng kaibigan ko ..sis ok iyang bf mo, mukhang kayang kaya mong ipagbalibagan kapag mag asawa na kayo, mukhang hindi nagagalit, tahimik lang siya. Iyan ang akala n'yo...pati ako.

May part two promise.

Bakit naging mouse si Mickey?

                                                  Bakit naging mouse si Mickey?

Mickey bilisan mong magbihis andito na ang school bus mo ...ang sabi ng mommy ni Mickey. Ok na po ako mommy , bihis na po ako  bye bye mommy . Sa loob ng school bus maraming kaibigan si Mickey kasi isa siyang mabait na bata magiliw at pala kaibigan. Habang naglalakbay ang school bus , may biglang tumawa ng malakas, at nag sabi hihihihihi huli kayo lahat!!!!! Sabay lipad ng bus sa himpapawid..nagsigawan ang mga bata ..ahhhhhhhhhbakit tayo lumilipad ..tanong nila. Mag sitahimik kayo ang sigaw ng enkantada na ubod ng pangit ,,nagpalit siya ng itsura ng siya ay tumawa ng malakas...Tahimik!!! ayaw ko ng maingay ..sino po kayo? Ang tanong ni Mickey...hahahahihihihi ako si Estancia ang enkantadang maganda mula sa kaharian ng Timbukbuk hahahahahihihi ...walang maingay !!!!!!  natahimik ang mga bata pero patuloy silang umiiyak at tinatawag ang kanilang mommy at daddy....hindi na napigilan ni Teddy ang  kanyang iyak at napasigaw na siya sa takot ..si Teddy kasi ang pinaka mahina ang loob sa mga bata ..isa siyang payat at masasakitin pero siya ay mabait at matalinong bata...AHHHHHH sabi ng walang maingay ..sabay kumpas ng kanyang magic wand ..gagawin kitang palaka  ,kokak kokak kokak..ang sabi ni Teddy...hindi na nakatiis si Mickey at siya ay tumayo..sino ba kayo bakit mo kami ginaganito saan mo kami dadalhin !!!!!!ang sigaw ni Mickey...Aahhhhhhhhh gagawin kitang daga !! sabay kumpas uli sa kanyang magic wand...natahimik ang lahat ng naging daga si Mickey...hahahahahihihihi..o ano gusto ninyo pang mag  ingay haaa!! Sige lahat kayo gagawin kong hayop pag hindi kayo tumigil sa kakasigaw ha TAHIMIK!!  Walang maingay!!! .at natahimik nga nag mga bata singhot na lang ang maririnig sa kanila ..nagtatakbo si Mickey sa tabi ni Teddy ...Mickey paano na tayo , palaka na ako huhuhu at ikaw daga huhuhuhu..paano na?? Shhh huwag kang maingay baka marinig ka ng bruha na iyon , iisip tayo ng paraan ,malalaman din natin bakit niya tayo kinidnap...at tumahimik na si Teddy sa kakakokak..biglang  bumulusok paibaba ang bus ..ahahahahha sigawan nang mga bata...Ano ba sabi ng walang sisigaw ..ang sabi ni Estancia..Andito na tayo sa aming kaharian hahahahihihi ..ang dami naming laruan ngayon hahahahihihi...at huminto na nag bus sa paglalakbay..Ang kaharian ng Timbukbuk ay isang madilim at mapunong lugar , sa gitna ay may isang palasyo na kulay itim...natakot ang mga bata ng makita ang palasyo...hahahahihihi...heto na ang bago ninyong bahay hahahahihihi..ayaw po naming dyan ang dilim ahhh huhuhuhu uwi mo na kami ang sigaw ng mga bata..Pasok na sa loob baka gawin ko pa kayong kulisap sige ..ang sabi ni estancia...Kawal ikulong lahat ng bata ..ang utos ni estancia ...hahahhaha bukas may pagkain na tayo hahahahihi...natakot ang mga bata ng marinig ang sinabi ng enkantada...ha kakainin tayo naku po huhuhu ayaw ko na uwi na tayo mommy daddy ang sigaw nila habang ikinukulong sila at inilalagay sa parang hawla ng ibon. Samantala si teddy at mickey ay nagtago hindi na sila makita dahil sa kanilang kaliitan..patalon talon si palaka sa mga batuhan at si daga ay mabilis na tumakbo at humabol sa mga bata pero patago tago din para hindi makita ni estancia...Ano gagawin natin Mickey? Ang tanong ni teddy... nag iisip nga ako teddy...ganito na lang papasok  tayo sa palasyo para mgmasid muna , tignan natin kung paano tayo magiging tao uli para   din  natin ang mga kasama natin hahanapin natin sila,  dapat dahan dahan lang kilos natin  ha teddy ..huwag kang matatakot  ok? Ok  Mickey ..ang sagot ni Teddy.  Dahan dahan silang pumasok sa palasyo maingat kada lundag at takbo ng dalawang magkaibigan..may narinig silang sigawan sa isang kuarto... aba estancia saan ka na naman nagpunta ha bakit mo dinala magic wand ko hindi mo baa lam na ako lang ang dapat na humawak nyan ha...hay mahal kong ina huwag ka ng magalit may pasalubong naman akong pagkain at laruan sa inyo hahahahhihihi ...nakakulong na sila sa hawla hahahhahihih...Biglang nagulat  ang nanay ni estancia ng makita na dala ni estancia ang wand ..naku anak bakit mo hawak ito tignan mo nabawasan na naman angg liwanag nito sabay kuha sa wand...saan mo ito dinala saan ka nagpunta?  Mahal na ina hiniram ko l ang naman sa mga taga lupa po ako nagpunta ...wika ni estancia..anak hindi mo ba alam na nababawasan ang kapangyarihan nito kapag nasa lupa ha!!! ...mahal na ina sandaling sandal lang naman po ako duon.... at sa katunayan hahahahihihi may ginawa akong palaka at daga hahahahihi...ay oo nga pala asan na kaya ang mga iyon haahahhihih  kukunin ko sila para makilala mo mahal na ina at mapaglaruan nating dalawang  at ipaluluto ko na din ang mga bata nagugutom na ko haaahhihi...sabay labas ni estancia sa silid..Lalong natakot sila mickey ng marinig nila ang usapan ng mag ina....naku Mickey paano na yan sabay hikbi ni Teddy ...huwag ka mag alala ..iisip  tayo ng paraan...sagot ni Mickey...ah alam ko na magtago ka hindi ka naman pwede sumiksik sa ilalim ng pintuan hindi ba? Kaya ako na lang ang gagawa nun , doon ka magtago sa likod ng paso dun kita pupuntahan pagkakuha ko sa wand sabi ni Mickey, bilisan mo Mickey ha mag iingat ka ..sagot ni Teddy..at dahan dahan ng pumasok si Mickey sa silid sumiksik siya sa ilalim ng pintuan nakita niya ang mahal na reyna na nakatanaw sa labas ng palasyo pinapanuod niya ang mga batang nakakulong sa hawla..kaya hindi niya namalayan na pumasok si Mickey at nakuha na ni Mickey ang wand..dali dali itong lumabas ng silid..teddy eto na nakuha ko na ..ang sabi ni Mickey , ang galing mo naman Mickey halika na bilisan na natin baka mahuli na tayo..wika ni Teddy. ..sa pagtakbo nila nahuhuli si palaka kasi mabagal siyang lumundag kya nag alala si mickey na baka mahuli sila...sandali lang Teddy mabuti pa ako na lang ang pupunta sa kulungan para pakawalan sila maghiwalay tayo , punta ka sa school bus itulak mo malapit sa pintuan ng kulungani huwag kang maingay dahan dahan lang ha..wika ni Mickey , ok Mickey ako bahala mabagal akong lumundag pero malakas ako ..usal ni Teddy...at  naghiwalay na nga ang mag kaibigan..palinga linga si mickey hinahanap niya ang susi ng hawla ..natanaw niya ang reyna nasa may bintana pa rin  ito , kailangan niya na mag ingat baka makita siya...may narinig siyang humuhiyaw ..si estancia galit na galit dahil hindi niya  makita ang ginawa niyang daga at palaka...mga kawal hanapin  ninyo sila bilis kung hindi gagawin ko kayong kabayo hhahaahihi..sa pagtakbo ng isang kawal nalaglag ang susi sa kanya nakita iyon ni Mickey , madali niya tong nakuha , tinanaw muna niya ang reyna kung nasa bintana pa ngunit ito’y wala na dun ..Mickey Mickey  psssst huwag kayo maingay baka madinig nila kayo..sabay bukas sa pintuan ng hawla..nakita niya ang bus umuusad na dahan dahan palapit sa pintuan..sabi ni mickey...mga kaibigan walang maingay habang tumatakbo ha..doon tayo pupunta sa bus..ok pagbilang ko ng 3 takbo ha..1..2..kontin na lang ayan 3..takkkboo...nagsitakbo na nga ang mga bata sa bus , nasa loob na sila lahat ng makita sila ng mga guardiya at ni Estancia..sumigaw si Estancia..hoy mga bata saan kayo  pupunta ha ? habulin sila kawal..samantala sa loob ng bus ..Mickey bilis ang wand ikumpas mo na para makaalis na tayo..wika ni Teddy...ok mga bata kumapit kayo ng maigi... eto na..lipad lipad bus sabay kumpas sa wand ng paikot ikot kaya mabilis silang nakalipad ..ihatid mo kami sa lupa...samantala sa kaharian ..nagsisisigaw ang reyna kasi nawawala ang wand...estanc ia nasaan ang wand ha bakit kinuha mo uli ha..mahal na ina hindi ko kinuha iniwan ko sa silid iyon...naku ina baka nakuha ng daga at palaka ..kasi napalipad nila ang bus...hahahahihii binatukan siya ng kanyang ina..naku ikaw talaga paano na ‘yan tumatawa ka pa..sige ewan ko lang pag nakatawa ka pa kapag sinugod tayo ng mga taga kaharian ng embudo...samantala sa lupa nagkakagulo na sa paaralan dahil nawawala ang mga bata...nag iiyakan ang kanilang mga magulang at guro..nagulat ang lahat ng may kumalabog  bumagsak ang bus umusok ng malaki ...sa pag usok nagsitakbo pababa sa bus ang mga bata ..hiyawan sila pati ang kanilang mga magulang at guro..tuwang tuwa sila kasi nakabalik sila..samantala sa loob ng bus nagtago sila Mickey at Teddy hindi sila makababa kasi nahihiya sila..paano na tayo Mickey tiyak matatakot sila sa atin...hawak pa rin ni Mickey ang wand ..huwag kang mag alala Teddy may konting ilaw pa ang wand may kapangyarihan pa ito..sige Mickey mauna ka na ikumpas mo na ang wand maging tao ka na. .subalit nag alala si Mickey kasi alam niya na kapag ginawa niya iyon , mawawala na ang ilaw ng wand , isang kumpas na lang at ubos na ang ilaw..kawawa naman si Teddy ...nag iisa pa naman siyang anak ng mga magulang niya..kawawa naman mommy at daddy ni Teddy kapag nwala si Teddy..samantalang siya ay may mga kapatid naman ..kaya sa isang kumpas niya si Teddy ang naging tao uli...sumigaw si Teddy sabay iyak dahil nakita niya wala ng ilaw ang wand..huhuhu Mickey bakit mo ginawa iyon bakit ako e ikaw ang nag hirap kumuha ng wand madami kang nagawa ako tinulak ko lang ang bus..huhuhu..Teddy huwag kang mag alala sa kin ako na bahala..tumulong ka rin naman d ba ..hindi tayo makakasakay sa bus kung hindi mo tinulak...tumutulo na din luha ni Mickey...may hiling lang ako sa iyo teddy ..sabi ni mickey...huhuuhu sige mickey ano yun...usal ni teddy sabay hikbi...kapag nakita mo mommy  at daddy ko  pati mga kapatid  ko huhuhu halikan at yakapin mo sila para sa akin sabihin mo mahal na mahal ko sila sabay tulo ng luha ni Mickey...oo Mickey gagawin ko iyon...sige Teddy bumaba ka na ng bus paalam.. bumaba na nga ng bus si Teddy sinalubong siya ng mga magulang niya ..samantala lumapit ang mommy ni Mickey kay Teddy sabay tanong na nasaan si Mickey ?, bakit ikaw lang ang bumaba? Hindi makapag salita si Teddy sa kakahikbi napatingin na lang siya sa bus...dahan dahang lumapit ang mommy ni Mickey sa bus pumasok siya duon  at tinawag si Mickey...Mickey..anak nasaan ka ba magpakita ka kay mommy ..ngunit ayaw niyang lumabas... Mickey anak magpakita ka na sa akin kahit ano hitsura mo ok lang sa akin mahal kita anak...sabay tulo ng luha...dahan dahan lumabas si Mickey sa likuran ng bus..sabay hikbi ..mommy isa na akong daga hindi na ako babalik sa dati hindi na ako bagay sa inyo huhuhu...subalit tumakbo palapit sa kanya ang kanyang mommy kinuha siya at hinalikan...kahit ano ang itsura mo ikaw pa din ang baby ko  ,huwag kang mag alala aalagaan kita..nag iyakan ang mag ina...mahal na mahal kita. end